Saturday, September 6, 2008

PARA SA'YO AT PARA RIN SA ATIN

8.22.08



16 missed calls. 6 unread messages.


Sorry po. Malayo sa kin yung cp ko. Nasa may kusina ako nagbabrush ng aking mahiwagang tsinelas… Pagbalik ko sa kuwarto, saka ko lang nakita yung missed calls at mga mensahe galing sayo. Sangkatutak na pala. Hala!!! Patin panaglan ko binuo mo na. Pasensya na… Mabuti nga at tumawag ka ulit.

Masaya ako ng muli kong narinig yung boses mo, ngunit bigla akong nalungkot ng mapansin kong matamlay ito.. Nadama ko na may mali. Nadama ko rin ang lungkot at pighati na nagmumula sa’yo. Tapos bigla ka nagreact tungkol sa mga nasabi ko kahapon. Siyanga pala, nais kong humingi ng paumanhin dahil nasaktan pala kita ng labis. Mahal ko, wala akong intensiyon na saktan ka o pahirapan ka. Di ko rin sinabing applicable say'yo lahat ng yon. Sabi ko nga gusto ko lang yun iemphasize. Gusto ko lang ulit ipaalam sa’yo na yun ang ayaw kong gawin sa akin. May tiwala ako sa’yo. Alam mo naman yun eh. Pero ang tukso andiyan lang lagi nakapaligid. Sana maging malakas lang lagi ung panangga mo dun.

Lahat ng sinabi ko ay constructive criticisms. Lahat yun para sa ikabubuti mo at para na rin kung sa ano man na meron tayo sa ngayon. Mahal kita kaya gusto ko maging matino ka sa abot ng iyong makakaya. Patunayan mo sa kanila na kaya mong maging mas produktibo kesa sa kanila. May tiwala ako sa’yo. Alam ko kaya mo yan gawin, lalo na kung para sa akin. Alam ko mahal na mahal mo ako eh. Kanina nung napansin ko na umiiyak ka, parang gusto ko ng tumakbo papunta diyan para yakapin ka at sabihing, “tahan na..wag ka mag-alala mahal ko, kaya natin to…Lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita..”

No comments: